Home

Advertisement

Writer's Block: Checklist for Eternity

  • Sep. 3rd, 2008 at 8:21 PM

If you could live forever how would you spend your time?


View 501 Answers

What a question!! I just finished reading this very interesting book. Well, most people have an idea about this becuase it is very popular right now. Twilight by Stephanie Meyer. If you have read the book, you ought to now by now that Edward, one of the two main characters, is immortal. What if I could live forever like him?

You know, If he really exist, I would love to go out with him for the rest of our eternal existence. It would be a good idea. Maybe I should replace Bella...hahahaha...

Back to the real answer. Maybe I would just watch as the people around me live their lives until they die. Seeing them happy and full of enthusiasm during the course of life will also make me happy. Or maybe I will just read all the books I want to read, watch all the movies I want to watch, study all the degrees in college that I want to take up, listen to all the songs that are released everyday until I run out of reasons to do so. It will be very boring to live like that.

Or maybe I will just watch "him" go on with his life. He finishes college. He gets a good decent job. He buys his own car and house. He dates the girl he likes. He gets married and builds a family of his own. At least I will see him happy even if I can't be with him. Even if I will never be with him. Maybe that's the consequences an immortal has to suffer for the rest of his/her existence.  

Self Pity..

  • Aug. 25th, 2008 at 1:39 PM

Badshot!!!!

Yun lang ang masasabi ko. Sobrang gusto ko na umuwi at hindi na pumasok sa Experimental Psychology class ko after mangyari ang isang kahindik-hindik na kahihiyan na hindi ko makakalimutan habang ako'y nabubuhay.

Ok, bago yung class namin sa nasabing subject, kausap ko si *toot toot* o itago na natin sa pangalang "Kuya" since mas matanda siya sa akin. ganito ang naging usapan namin:

Yours Truly: Alam mo nakita ko si Sir ____ kanina.
Kuya: Sows! Kinilig ka naman?!
Yours Truly: Kainis ka talaga "Kuya"!!! (sabay hampas sa braso niya.)
Kuya: UY!! wag diyan, masakit.
Yours Truly: Bakit ano ba ginawa mo?
Kuya: Nagbuhat ako kahapon.
Your Truly: Nagbuhay ng ano?!
Kuya: Weights..

Ah ok. Kaya pala ganun ung braso niya. One fact na hindi niyo siguro alam tungkol sa akin eh attracted ako sa mga guys na maganda ang mata ( common na yun..) at BRASO...Back to the story..

After nun kinausap ko ung co-set designer ko na si *toot toot* ulit. Itago ulit natin siya sa pangalang "Mohawk". Halatang-halata na kung sino yun noh..... Well, pinagusapan lang naman namin yung gagawin naming set sa prod ni * toot toot* again. Itago ULIT na 'tong taong 'to sa pangalang "Talentado".  Ayos naman yung usapan namin ni Mohawk. Napunta kami sa topic ng prod ni Talentado. Eh sa kasamaang palad, hindi namin alam ang topic niya. Eh di syempre tinanong ko si Talentado.

Yours Truly: "Kuya!"
Talentado: Ha? Ano tawag mo sa akin?! Ano pangalan ko?! Bakit "KUYA" tawag mo sa akin?! (with a creepy smile pa..)
Yours Truly: Sorry na, Talentado...
Talentado: Hindi...

Take Note: Alam niyo naman kung gaano kalakas ang boses ko diba?! At syempre narinig ng buong klase yun at pati si Kuya. Ewan ko talaga....

At lumabas ako ng room.. Pumunta sa isang sulok sa corridor, at NAG-SELF PITY..*Origz you know what self pity is.*
Sobrang I swear na hindi ako papasok sa room hangga't pumasok na si Sir doon. Grabeng kahihiyan!!! At doon siguro nagsimula ang paninibago sa treatment ko kay "KUYA"...

Nang humithit si Kuya ng rugby...

  • Aug. 22nd, 2008 at 8:52 PM

Kanina pauwi, habang komportableng nakaupo sa fx, may nakita akong lalaki na tumitira ng Rugby sa tabi ng kalye...

Sa totoo lang, ngayon lang talaga ako nakakita ng live na humihithit ng rugby sa tanang buhay ko... I'm serious... Hindi 'to joke... CULTURE SHOCK...

Tinitigan ko siya ng matagal. As in matagal. Pinanood ko siya na parang bata na aliw-aliw sa anime sa TV. Ganun pala ang itsura ng isang rugby boy, IN REAL LIFE. Sobrang gusgusin, may plastic na may laman ng rugby at parang inhaler kung singhutin niya yung laman nun. Parang hihikain siya pag nahiwalay sa kanya ang kaniyang pinakamamahal na plastic. Alam mo yung feeling na nandidiri ka sa kanya kasi madumi siya at malinis ka. Na may tama na siya sa ulo at ikaw wala. Siya nasa Heaven na samantalang ikaw nandito pa din sa lupa. Hindi ko alam kung may iba pa siyang hobby maliban dun. Sa tingin ko, wala na. Parang katulad ng mga nasa movies.

Hindi ko alam kung matatawa ako or what. Sa totoo lang, medyo naawa ako. Mantakin mo ah, ilang tao ang katulad niya na laging may bitbit na plastic na may lamang rugby?! ilang ka-edad mo ang kapareho ng hobby ni Kuya?! Sobrang disturbing yung sight. Pero yung ang reality. 

Mapalad pa ako at nag-aaral ako sa isang magandang unibersidad at nakukuha ang mga needs and wants ko. Sobrang gifted ako na may pamilya at kaibigan na laging nandiyan sa tabi ko. At Sobrang blessed na may alam akong "GOD" sa buhay ko.


EH PAANO KUNG NAGING KATULAD AKO NI KUYA RUGBY BOY?!


MAKIKILALA MO PA KAYA AKO?!


O BAKA PANDIRIHAN MO AKO?!

Misleading ba??

  • Aug. 21st, 2008 at 9:16 PM

 Ok, hindi ko alam kung worthy ba itong i-blog o ano... Pero since ito ang naiisip ko sa mga sandaling ito, paninindigan ko na...

Hindi talaga matanggal sa isip ko ung sinabi ni Chuch kanina sa akin sa ministop. " Ayaw mo nun, namimislead mo siya. Akala niya si _____ ang gusto mo, hindi niya alam siya pala." Wow! Infairness, tinablan ako nun. Parang tinusok ako ng isaw stick sa tenga. Pero parang mali ang dating sa akin eh. Oo, hindi niya alam na siya yun. At mananalitiling ganun yun habang nareretain yung idea na yung isa yung crush ko. Complicated? Sort of. Hanggang ganun nalang.  

<@_@> :Ngek! Si Celine, hindi na natuto.

 <+_+> :Mukha nga.. Hindi na naman siya nag-aral ng mga lessons niya. Kaya laging palakol ang grade sa Love Life 101. 

Sige na, talo na ako. Lagi naman eh. Batuhin niyo na ako ng kamatis. Go! Ngayon na!... Napaka-loser ko talaga. 

Sa totoo lang, ayaw ko ng ganitong feeling. Ang hirap. Parang apektado yung relationships ko sa kanila. May ganun? Oo, may angal ka?! Pero ako din malamang ang may kasalanan nito noh. Gusto ko nalang magkulong sa kwarto ko at mabulok dun habangbuhay.

 Hanggang Kailan Kaya 'to?!

 Ikaw, Alam mo ba ang Sagot?!

 Ako, Hindi. Kaya nga ako nagtatanong eh.

Avatar Fever!!!!

  • Aug. 20th, 2008 at 9:06 PM

I'm sooo happy. Nakagawa na ako ng sarili kong avatar. Ang tagal kong hinintay ang sandaling ito. Sa totoo lang, hindi ko yata kamukha yung ginawa ko eh. Siguro kasi walang haircolor na blond yung avatar ko. Namiss ko tuloy yung dati kong buhok. Basta, eto yung ginawa ko. comment kayo!!!!

Tags:

Rain,Rain Go Away...

  • Aug. 20th, 2008 at 11:51 AM

11:53 am, Wednesday...

Akalain mo yun, ang aga magtype ng blog ni Celine. Well, ganun talaga..

Maulan..Maulan kanina..Maulan ngayon at sa palagay ko Maulan pa din hanggang mamaya. Siguro may UTI ang langit. O sabihin nalang natin na depress siya. Ewan. May bagyo daw. Yeah, Right!!! Kelan pa nawalan ng bisita na bagyo ang Pilipinas. Tourist destination kaya 'to ng mga tropical depression at typhoons. AYOS!!!

Sa totoo lang, ang sarap sarap matulog. At yan din ang dahilan kung bakit hindi ako nagising ng maaga. Mantakin mo ah, nag-alarm ako ng cellphone ko ng 6:30 am. Pero makailang beses kong dinedma ang tawag ng alarm ko. "Celine, gising na!!!!". DEDMA. After two hours ako nagising. At gusto ko patayin ang sarili ko ng mga oras na nagising ako kasi wala pa akong presentation sa Literature class ko. Gawain ng mga matinong estudyante. Ok, kagabi kasi ako nagresearch, kaya kalahati nalang ang gagawin ko. Yung presentation mismo.

GAGA KA BA?! Kaya mo ba gumawa ng powerpoint presentation in 3o minutes?! OO, nasagot ko yan kanina...

Natapos ko yun powerpoint ko ng 9am. AYOS! Pero sa totoo lang, masyado na akong late sa klase ko kung aalis ako ng bahay ng 9:30-10am. Wala na yatang tatalo sa biyahe ko araw-araw. 1-2 hours everyday ang biyahe ko. Pare, one way lang yun. 2-3 cities ang nabibisita ko araw-araw. Caloocan, Manila at paminsan-minsan pati Quezon city. Parang ayaw ko na nga pumasok kasi soooobrang hassle ang ulan na yan. Nang biglang nagtext si Gissele ( Ms. President ng klase namin..) "Pumasok ka na ba?" WOW, mukhang hindi pa yata nakakaalis 'tong si Gie ah. Syempre, sinabi ko na hindi pa. at nagkasundo kami na sabay papasok.

FYI: magkatabi lang kasi ang mga village namin.

Ok, nagkita kami, sumakay ng fx, at pumasok na... Halos kaaalis pala namin nang may nagtext kay Gie, "Celine, Suspended na daw yung klase." Whe!!!!!! talaga lang. naghintay pa kami ng text. At parang ulan na susunod kaming nakakuha ng text na sumagot sa agam-agam ko. WALANG PASOK!!!! Badshot!!!! So, sinabi namin kay manong na bababa na kami.Ok, badtrip si manong. Malamang kasi hiningi namin yung pamasahe namin. Pero sa kabaratan niya, 50 pesos lang ang binigay niya. "Malulugi ako sa inyo eh". ABA, MANONG!!! KASALANAN BA NAMIN KUNG MASUSPEND ANG KLASE NAMIN!!... Sa tingin talaga namin ni Gie, kami ang lugi. Wala pa nga sa kalahati ang biyahe namin pero yun lang ang binigay niya. FUDGE YOU, MANONG. At napagkasunduan namin na mag-trike pauwi. Hindi ko na kinuha yung part ko sa 50 pesos kasi nabadtirp ako kay manong.

LOLO: "O, bakit ka bumalik? may nakalimutan ka ba?"

AKO: "Wala, Lo. Nakalimutan ko lang bumalik sa tulog. Wala na daw kaming pasok. Suspended na daw."

LOLO: "Aba, mabuti.

At hanggang ngayon ay gising pa din ako at nagtytype ng blog na 'to.





RAIN, RAIN GO AWAY... CELINE WANTS TO PLAY!!!!!


Actually, nakaka-paranoid yang sentence sa taas...

Hindi ko alam kung ako lang yung hindi namamansin o takot ako na pansinin sila. 

"Gurl, hindi sila ibang tao! classmates mo sila!"

Oo, as if stupid ako para hindi malaman yun.Eh kasi naman noh, nakaka-intimidate sila. Sabihin nalang natin na sa kapal ng mukha ko, may konting kagagahan din ako noh. 

"Ay si Celine, mahiyain pala."

 OO, bakit? may angal ka. Konti lang marahil ang may alam nito o nakakahalata. Well, sa lakas ng boses ko na feeling ko eh nakakabingi, hindi sa lahat ng oras eh advantage ko yun. ( sorry kung parang lagi akong sumisigaw, i think may hearing problem na yata ako eh..)

"You're not as confident as you look, dear. "

Ok, alam ko yun. Hindi naman ako mahirap kausap. Mukha daw ako suplada, isnabera. Feeling ko din. Marami na nagsabi sa akin niyan. Lahat yata yan ang first impression sa akin. hindi ko naman sila masisi. Does it hurt? Oo, malamang. Kasi, if not all the time, that first impression lasts. Sabihin mong hindi?! Ewan!! Ang feeling ko naman, It's better kung mag-isa nalang ako kaysa magpag-usapan pa ng iba. Yeah, Right!!! Bakit mahirap sa akin ang magmaintain ng constant connection with other people?! Isang malupet na sagot lang : Hindi ko alam. Ang catch kasi, pag hindi mo ako pinansin, ganun din ang gagawin ko sayo. Pero pag ako ang nag-initiate ng connection at hindi ka nagrespond, BAHALA KA NA SA BUHAY MO.  You just let me create an impression na hindi tayo magkakasundo. Yun lang. Tapos. Pero, Hindi naman lagi nangyayari yun. Minsan lang. 


Paano kaya 'to?! Ganun Talaga. 




I need help... 





Is there anyone out there?! Hello?!